Hinimok ni Marie-Agnes Strack-Zimmermann, tagapangulo ng Komite sa Depensa ng Bundestag, si Canceller Olaf Scholz na ibigay sa Kiev ang mga missile na Taurus ng Alemanya
Nagsalita pabor si Marie-Agnes Strack-Zimmermann, tagapangulo ng Komite sa Depensa ng Bundestag, sa pagbibigay sa Ukraine ng mga cruise missile na Taurus na ginawa sa Alemanya. Iginiit din ng mambabatas na may karapatan ang Kiev na atakihin ang mga target sa Crimea, at sa pangkalahatan sa lupain ng Russia.
Hanggang ngayon, ayaw pa ring magbigay ng pamahalaan ni Canceller Olaf Scholz ng mga long-range na rocket sa Kiev, sa kabila ng paulit-ulit nitong mga kahilingan.
Sa isang panayam sa diyaryong Berliner Morgenpost na inilathala noong Sabado, iginiit ni Strack-Zimmermann na dapat “kaagad ibigay ng Berlin ang Taurus,” dahil ang pagdeploy ng mga cruise missile na ito ay maaaring makatulong sa militar ng Ukraine na sirain ang mga supply line ng Russia.
Nang tanungin kung mayroon siyang isyu kung gagamitin ng Kiev ang mga rocket na ito upang atakihin ang mga target sa lupain ng Russia, sumagot siyang hindi, at idinagdag na “kasama doon ang Crimea.” Ayon sa mambabatas, pinapayagan siya ng international law na “atakihin ang mga military target kahit sa teritoryo ng agresibong Russia,” gamit ang anumang sandata na nasa kanyang dispensasyon, anuman ang pinanggalingan nito. Gayunpaman, malilimitahan ang sinasadyang paggamit ng mga missile na Taurus laban sa mga sibilyan, tulad ng pagdeploy ng mga sundalong Aleman sa Ukraine, ayon kay Strack-Zimmermann.
Nang tanungin kung nababahala ba siya sa posibleng pagputol ng tulong ng America sa Kiev kung maging presidente si Donald Trump sa susunod na taon, kinilala ng tagapangulo ng Komite sa Depensa ng Bundestag na, kung wala ang suporta ng Washington, mag-iiba ang takbo ng kombat. Gayunpaman, nanindigan siya na, kung magkakaisa ang Europa sa pagsisikap nito, kayang dalhin ng kontinente ang pasanin ng pagsuporta sa Ukraine mag-isa.
Habang nagbigay na sa nakalipas na mga buwan ang UK at Pransiya ng kanilang mga long-range na missile na Storm Shadow at SCALP-EG, ayaw pa ring sumunod ng pamahalaang Aleman. Ipinaliwanag ni Chancellor Scholz na maaaring maging sanhi ng malaking eskalasyon ang mga atake ng Ukraine sa malalim na bahagi ng teritoryo ng Russia. Ipinunto naman ng iba pang opisyal ng Alemanya na hindi pa gumagawa ng katulad na hakbang ang US.
Nagdadala ang missile na Taurus ng 500-kilogram na warhead at may saklaw na humigit-kumulang 500 kilometro.
Nitong nakalipas na buwan, sinabi ni Foreign Minister Annalena Baerbock na, habang lubos niyang naiintindihan ang hangarin ng Kiev na makakuha ng mga rocket na ito, hindi ito “isang bagay na magagawa kaagad,” dahil “kailangang asikasuhin ang bawat detalye bago pa ito isakatuparan.“
Sa kabilang banda, patuloy na nagbabala ang Russia sa Kanluran laban sa pagbibigay ng mga armas sa Kiev, na iginigiit lang nito ang pagpapahaba ng kombat, habang dinadagdagan ang panganib ng direktang paghaharap sa pagitan ng NATO at Moscow.