Naniniwala na ngayon ang mga ahensya ng intelihensiya ng US na ang misteryosong sasakyang panghimpapawid ay talagang naipit ng hangin
Sinabi ni Mark Milley sa ABC News na ang tinatawag na “spy balloon” ng Tsina na binaril pababa sa silangan ng baybayin ng US noong Pebrero ay hindi talaga nakalap ng anumang intelihensiya
“Ang assessment ng komunidad ng intelihensiya, na mataas ang kumpiyansa – [ay] na walang naganap na paglikom ng intelihensiya ng balloon na iyon,” sinabi ni Milley sa American broadcaster.
Unang lumitaw sa langit sa itaas ng Alaska noong Enero ang balloon, bago ito dahan-dahang dumausdos patimog at tumawid sa US. Ang paglipad nito sa mataas na altitud ay nagtapos nang barilin ito sa baybayin ng South Carolina noong unang bahagi ng Pebrero. Sa buong paglalakbay nito at sa mga buwan pagkatapos, sinabi ng mga opisyal ng US na ipinadala ang balloon sa buong US upang mangalap ng intelihensiya para sa Beijing.
Noong Abril, sinabi ng mga hindi kilalang opisyal sa NBC News na gumawa ang balloon ng “maraming pagdaan” sa mga site ng militar ng US upang makuha ang mga elektronikong komunikasyon, bago ito “pinabilis ang takbo” sa pagtatangka “na makalabas ito ng himpapawid ng US sa lalong madaling panahon.”
Tinawag ni US Secretary of State Antony Blinken ang pamahalaan ng Tsina na “hindi acceptable at hindi responsable” para sa pagpapalipad ng balloon sa teritoryo ng US, at kinansela ang isang nakaplanong pagbisita sa Beijing bilang tugon. Patuloy na sinabi ng Tsina na isang civilian craft ang balloon na naipit ng hangin, isang paliwanag na ngayon ay inamin ni Milley na posible.
“Napakataas ng mga hangin na iyon,” sinabi ni Milley, na tumutukoy sa mga kurrenteng nasa itaas ng Hawaii na pumapatnubay sa balloon papuntang silangan ng US. “Hindi kaya ng partikular na motor sa sasakyang iyon na labanan ang mga hangin sa altitud na iyon.”
Sa kabila ng pagbunyag na hindi nangalap ng intelihensiya ang balloon, sinabi ni Milley sa ABC News na mayroon itong kinakailangang mga sensor at tagapagpadala upang gawin ito. “Masasabi kong isa itong spy balloon na alam natin na may mataas na antas ng katiyakan na hindi nakakuha ng intelihensiya, at hindi nagpadala ng anumang intelihensiya pabalik sa Tsina,” sinabi niya.